| |
Ang Los Angeles Lakers
Ang Los Angeles Lakers ay isang propesyonal na grupong manlalaro ng basketbol para sa NBA o National Basketball Association, sila ay matatagpuan sa Los Angeles, California. Kilala ang mga Los Angeles Lakers sa pagkakaroon (noong bandang katapusan ng 2005-06) ng pinakamaraming natalang pagkapanalo (2,806), pinakamataas na porsiyento ng pagkapanalo (61.5%), pinakamaraming larong umabot sa pambansang kampeonidad (28), at ang may ikalawang pinakamaraming naipanalong kampeonidad (14) sa mga prangkisa ng NBA. Sila rin ang may pinakamahabang serye ng sunod-sunod na pagkapanalo (33) sa lahat ng palarong pang-grupo sa lahat ng Nagkakaisang Estado ng Amerika.
Kasaysayan ng Los Angeles Lakers
Ang Lakers ay nagsimula noong 1947 nang binili nina Ben Berger at Morris Chalfen ang Detroit Gems ng National Basketball League sa presyong $ 15,000.00. Kanilang inilipat ang nabiling prangkisa sa Minneapolis. Dahil sa ang Minneapolis Gems ang may pinakamababang natalang mga panalo sa NBL, ang bagong buong Minneapolis Lakers ang naunang pumili sa 1947 dispersal draft. Kanilang ginamit ang pagkakataong ito upang kunin si George Mikan - na masasabing isa sa mga o dili kaya'y siyang naging pinakamagaling na sentro ng kanyang panahon. Kasama si Mikan, at ang baguhang coach na si John Kundla at isang grupo ng manlalaro mula sa Unibersidad ng Minnesota, ipinanalo ng Lakers ang kampeonidad ng 1947-48. Noong taong yaon, kasama ang apat pang prangkisa ng NBL, lumipat ang Lakers sa Basketball Association of America, kung saan nakuha nila ang 1948-49 na kampeonidad ng BBA. Noong 1949, nagsanib ng puwersa ang NBL at BBA upang maging NBA o National Basketball Association.
Ang Minneapolis Lakers ang isa sa mga nangibabaw na lupon sa noo'y bagito pa lamang na NBA. Kasama ang mga pinagpipitagang miyembro ng Hall of Fame na sina George Mikan, Vern Mikkelsen, Jim Pollard, Slater Martin, at Clyde Lovellette, binuo nila ng isa sa pinakaunang dynasty sa NBA sa pagkakapanalo nila ng halos sunod-sunod na anim na taon (1949, 1950, 1952, 1953, 1954).
Matapos lumipat sa Los Angeles noong 1960, nakuha ng Lakers ang mga nirerespetong sina Elgin Baylor, Jerry West, Gail Goodrich, at Wilt Chamberlain - subalit sa kabila ng magagaling na talento, paulit-ulit silang tinalo ng Boston Celtics. Natalo ang Lakers ng Celtics ng anim na beses sa loob ng walong taon. Natigil lamang ito ng dumating ang taong 1972, nung nagtala ang Los Angeles Lakers ng 33-streak ng panalo. Ito ay nangyari sa ilalim ng masusing pagmamatyag ni Coach Bill Sharman na tinaguriang Coach of the Year noong taon na yaon.
Kahit na dumagdag sa bilang ng Lakers si Kareem Abdul-Jabbar, hindi pa rin sila nanalo hanggang dumating si Earvin "Magic" Johnson noong 1979. Kanilang tinalo ang Philadelphia 76ers noong taong yon salamat sa MVP nilang baguhan - si Magic. Nagtala si Magic Johnson ng 42 puntos, 15 rebound, at 7 assist para maipanalo ang serye sa ngalan ng nahospital na na si Kareem. Sa sala ni Coach Pat Riley, na isa ring datihang Laker, ang Los Angeles Lakers ay muling nagdomina ng 1980s, walong beses sila umabot ng finals ng dekada 80, at nanalo ng 5 beses bilang kampeon - na may 2 larong streak mula 1987 hanggang 1988 - isang bagay na tanging ang Boston Celtics lamang ang makakapagmalaking kanilang nagawa yaon mula noong 1969.
Sa isang laro laban sa Houston Rockets noong December 9, 1977 - ang sentro ng Rockets na si Kevin Kunnert ay napa-away kay Kermit Washington ng Lakers. Nang gumitna si Rudy Tomjanovich, guwardiya ng Houston, bigla na lamang nagdilim ang paningin ni Washington at si Tomjanovich ay kanyang sinuntok. Ang makayanig lupang suntok ay tumama sa gitna ng mukha ng tumatakbong si Tomjanovich, na nagtamo ng malubhang sakuna sa kanyang panga, mata at pisngi; nabasag din ang bungo nito pagbagsak sa sahig. Ang nakapanririmarim na eksenang ito ang naging di-malilimutang bahagi ng 1977-78 para sa mga Rockets (na mula sa pagiging pangunahing karibal sa kampeonidad, ay bumagsak sa panghuling posisyon na may naitalang 28-54 na panalo at talo) at maging para sa dalawang basketbolista. Si Tomjanovich ay nagpalakas muli upang bumalik bilang isang NBA All-star.
Kahit na umabot muli ang Lakers sa panhulihang laban noong 1991, hindi masasabing pang-kampeon ang mga lupon nila noong 1990s. Nabago ito nang magsanib ang mga puwersa nina Shaquille O' Neal, Kobe Bryant, at Phil Jackson para sa isang pangkampeong lupon na umabot hanggang sa panghulihang laban noong 1999-2000 na nakapagpatamo sa kanila ng tatlong sunod-sunod na kampeonidad matapos nito. Noong mawala sa hulihang laban noong 2003, ang isang mas pinaghandaang Lakers na kasama sina Karl Malone at Gary Payton ang naninibasib na sumugod sa panghulihang laban ng 2004 - para lamang talunin ng Detroit matapos ng limang laban.
Nang sumunod na tag-araw, nagkahiwa-hiwalay ang Lakers. Ang personal na di-pagkakaunawaan nina Shaq at Kobe ay sumidhi. Hiniling ni Shaq na ipamigay siya, at noon din ay inilipat sa Miami Heat. Si Malone ay nagretiro, si Payton ay ipinasa sa Boston Celtics, at umalis si Phil Jackson na pinalitan ni Rudy Tomjanovich. Umalis din si Rudy matapos ang parte ng sumunod na season.
Pinangunahan ni Kobe ang bagong lupon ngunit hindi naging maganda ito para sa Lakers na nawala sa panghulihang laban para sa unang pagkakataon matapos ang labing-isang taon at gayun din sa kauna-unahang pagkakataon sa karera ni Kobe. Noong 2005-06 season, nagdiwang ang mga tagasubaybay ng Lakers sa pagbabalik ni Coach Jackson. Sila ang may pang walong seed sa Western conference mula ng Pebrero 26, 2006.
Kilala rin ang Lakers hindi lamang sa magagaling nitong manlalaro ngunit dahil rin sa mga pamoso at prominente nitong mga tagasubaybay na madalas makita sa kanilang mga laro. Ang pinakamasidhi nilang tagasubaybay ay sina Jack Nicholson at ang bandang rakista na Red Hot Chili Peppers na mula sa California - na naroon upang panoorin ang bawat laban nila. May mga tsismis rin na ang bokalistang si Anthony Keidis at bahistang si Flea ay sumasama sa mga laro bago ang season dahil sa dedikasyon nila sa Lakers. Ang kantang "Magic Johnson" ay isang pagpupugay sa Showtime Lakers noong 1980s at makikita ang kantang ito sa album ng Red Hot Chili Peppers na "Mother's Milk".
Thunder-Lakers Preview LOS ANGELES (AP) If the Los Angeles Lakers can just shake the memory of the disastrous final two minutes of Game 2, they'll find plenty of reasons in the first 46 minutes to be encouraged about their chances this weekend against Oklahoma City.
Lakers prepare for back-to-back blitz vs. Thunder LOS ANGELES (AP) If the Los Angeles Lakers can just shake the memory of the disastrous final two minutes of Game 2, they'll find plenty of reasons in the first 46 minutes to be encouraged about their chances this weekend against Oklahoma City.
Lakers Blow Golden Opportunity: Fan Reaction The Los Angeles Lakers had a chance to make a statement in Game 2. After getting absolutely destroyed in Game 1, the Lakers had a golden opportunity to steal a game in Oklahoma City and plant some seeds of doubt in the minds of the Thunder. With two minutes remaining, Los Angeles had a seven-point lead. The NBA is a league where teams can score points in a hurry, but a seven-point lead with two ...
PBT: Lakers fail to finish, might be done vs. OKC PBT: Kobe Bryant and the Lakers let victory slip through their fingers in a 77-75 loss to the Thunder and now face a daunting 2-0 deficit as the series heads to Los Angeles.
Thunder 77, Lakers 75 OKLAHOMA CITY -- The Los Angeles Lakers gave everything they had, and it still wasn't enough.
Lakers crumble late in Game 2 loss to Thunder Turnovers and sloppy defensive play hurt the Lakers in the final minutes as Oklahoma City rallies to a 77-75 victory and a 2-0 series lead. The old, plow-horse Lakers had the game won. They were about to defeat Oklahoma City and send the series back to L.A. tied at 1-1.
Will Mike Brown Be Coaching the Los Angeles Lakers in 2012-2013? Quote Roundup After the Los Angeles Lakers' near defeat in their opening playoff series against the Denver Nuggets, the Lakers got dismantled by the Oklahoma City Thunder in Game 1 of the Western Conference Semifinals. This sparked a lot of chatter in the forums on ProSportsDaily.com about how the Lakers should fire Mike Brown this offseason.
Lakers Must Shift the Momentum: Fan Reaction After Game 1, the Los Angeles Lakers looked like they did not have a chance in this series against the Thunder. However, fans know that a seven-game series can quickly change direction as momentum shifts and certain players start to get hot. On paper, the Oklahoma City Thunder are the better team, and they showed it in Game 1 as they pounded the Lakers. Still, the Lakers have the talent and the ...
Lakers Top-5 Playoff Blowouts Losses in the Kobe-era: Fan's Analysis As painful as the Los Angeles Lakers embarrassing blowout 119-90 loss to the Oklahoma City Thunder was Monday night for Lakers fans like me, it has actually been worse before.
Lakers' Ebanks and Bynum each fined by the league (Reuters) - Los Angeles Lakers players Devin Ebanks and Andrew Bynum were each fined by the National Basketball Association for separate violations, the league said on Wednesday. Ebanks was fined $25,000 for his actions before and after his ejection from the Lakers' 119-90 loss to the Oklahoma City Thunder in the opening game of their Western Conference semi-final series on Monday. The Lakers ...
|